Tuesday, June 10, 2008

Baby Out!

Apparently, I've hit a wall after the previous post. I didn't want to do anything but nothing. I don't want to blog. All I want to do is to give birth which didn't happen until two months later. The baby's getting heavier and heavier everyday and it is really getting harder to sleep and move. I couldn't go anywhere without anybody saying something. As if, they could stop me! Huh!
With the date way past my EDD, I guess it would only be normal (unless I've elephant genes) that I've already given birth. hehe! We were all so excited about the baby and with all these, I don't have the time for blogging. Sorry. Or maybe I haven't found a way to sneak away from my baby to blog. Another reason is that I'm trying not to stress myself. I'm scared na mabinat.

I gave birth to Jack Jack last May 15 via Normal Delivery (as in all natural) at the Medical City. He weighed 6 lbs. 15 oz. He was 20 inches in length. I've been exclusively breastfeeding eversince.

Here's what happened:

May 14

8:30am
- woke up with a bloody show sa undies ko. it's red so hubby and i decided to call my ob. she told me to observe muna before going to the hospital. wala naman masakit sa akin so we waited for a while.

11:00am
- wala pa rin akong nararamdaman. nakakain na ko ng breakfast and nakapagpupu na ko. tuwa pa ko dahil di na nila ko ie-enema.

11:30am
- we went to the hospital. dahil nga red blood yung lumabas, naaalarma na rin ako. 1cm na daw ako. they did NST and biophysical ultrasound on me tapos my ob gave them my go home order. kala ko iire na ko e. ob said if hindi nagprogress, iiinduce na daw ako tomorrow.

3pm
- pagdating sa bahay. i walked for 45 minutes inside the house. naiinis kasi ako dahil wala akong nararamdaman. parang hindi pa ko manganganak. tapos iniisip ko kung magandang araw ba ito para manganak? hehe! after the walk, feeling ko mapupupu ako na hindi. parang constipated. yun na daw yun sabi ng mommy ko.

4pm
- pinaliguan ko pa si portia - our first baby na chihuahua. baka kapag nanganak ako hindi ko na magawa yun e.

6pm
- hubby and i started to count how long the contraction intervals are. meron pero magkakalayo pa sila.

May 15

12mn
- mas magkakalapit na ang contractions. hindi consistent ang intervals pero malalapit. about 3-6 minutes.

12:30am
- bumalik na kami sa medical city. i was 4cm dilated when they performed IE on me. nagNST ako ulit and it seems that everything's fine naman.

1am
- i heard the resident ob call my ob to report the NST results. hindi na ako pinauwi. bwisit na bwisit ako dun sa resident ob kasi tinatanong nya ob ko kung hindi daw ba talaga ako mageepidural dahil sakit na sakit na daw ako. gusto kong sabihing "halika nga dito at ipapakita ko sa yong kaya pa kitang tadyakan!" usapan na namin ni doc na hindi ako mageepidural kaya dinedma lang sya.
- nilagyan na ako ng enema para mapupu na ako.

2am
- ipinasok na nila ko sa lamaze room. i was trying to walk around kaso pinahiga nila ako para kabitan ulit ng fetal monitor. tapos kinabitan din ako ng swero.

2:30am
- pumasok na si hubby sa lamaze room. i asked the midwife na nagbabantay sa kin na tatayo ako. kasi kaya nga ako nag-avail nun lamaze room para may gawin ako excercise or whatever during labor - para mapadali. i didn't take birthing classes pero from books alam ko kailangan ko gumalaw. pwede pa naman ako tumayo dahil di pa pumuputok ang panubigan ko. ayaw ni midwife na tumayo ako dahil daw may swero na ako??!! sabi ko itanong nya. pumayag naman si resident ob after another IE. i was still at 4cm. maya maya dumating na si ob. pinutok nya yung panubigan ko. at 6cm na ako.

namimilipit talaga ako sa sakit everytime na may contractions. kawawa kamay ni hubby sa kakapisil ko. lahat sila doon palagi ako tinatanong kung hindi ba daw ako iepidural. kainis.... may isa naglakas ng loob na ako ang tanungin nasigawan ko ng ayoko!

nagstop pa ang progress at 7cm. nung nag 9cm na ko mataas pa rin daw si baby. nilagyan pa nila ako ng oxygen.

5:30am
- fully dilated na raw ako so we started to push. may 2 doctors silang tinawag to coach me with the pushing. itinaas nila yung patungan ng paa para ipush ng feet ko and yung side rails nun bed ipinapa-pull naman sa kamay ko (ngayon naalala ko na kung bakit ang sakit ng shoulders ko after). ganun pinagawa nila sa kin while pushing the baby. there's this instance na bigla silang nagready lahat. sabi ko ayus lalabas na si baby. kaso bigla ko naramdaman yung contraction, and i have the urge to push. sumisigaw na ko asking them if i can push na. baka kasi mahulog baby ko wala sila lahat sa pwesto. nun bumalik sila nagpush kami ulit. when i talked to ob the next day, she told me nakacord coil daw si baby. kaya pala iniwan nila ako.

6:45am
- baby out!!!


Sulit!!!


After that, ni-cross stitch na nila ako. Hehe!


Pina-room-in namin si baby the next day which I can't figure out whether it was a good decision or not. Good decision because I don't have to sit the baby for a day and the people from the nursery assisted me during breastfeeding. Bad decision because we have problems with latching. Almost 24 hours had passed before Jack Jack was able to successfully latch and breastfeed. This is bad because I had to go to the nursery every now and then. The result? Wala rin akong pahinga. I actually instructed them to call me anytime (even in the middle of the night) just so we could try to feed him. Whew! Finally, we were able to do so. Buti na lang nakalatch sya kahit papaano. Otherwise, pahirapan ito kapag nasanay sya sa bottle.


May 17 we went home na. Medyo magulo dahil madami palang adjustments na kailangan namin gawin. I have two babies na. Portia would have to stay muna sa cage nya dahil si Jack Jack naman ang itatabi namin. Sometimes, she helps with babysitting pa!



Ang bait ng panganay ko no?! Hehehe! Sometimes, nakakamiss din yung kakulitan ni Portia sa bed. Kapag maginaw and I needed a "hot compress" sya lagi ang hug ko. Nakakatakot pa kasi i-hug si Jack Jack sa ngayon. Baka mapisak! Si Portia, magaling umilag yan kapag madadaganan mo. At gigisingin ka pa if she needs to go potty.


Akala ko ready na ko maging mommy. Ang dami dami ko pang kinailangang matutunan and I'm pretty sure it's still not enough.


Here's another picture of my son. Sinong kamukha?



No comments:

Post a Comment

Custom Search